green
greenback (grín·bak)
png |[ Ing ]
1:
dolyar ng Estados Unidos
2:
likod na lungti ng hayop.
greenhorn (grín·horn)
png |[ Ing ]
1:
tao na wala pang karanasan
2:
bagong kalap na tauhan o miyembro.
green house (grín·haws)
png |[ Ing ]
:
gusali, karaniwang gawâ sa salamin, na pinananatili ang nais na antas ng temperatura, ginagamit sa pag-aalaga ng mga halámang wala pa sa panahon.
greenhouse effect (grín·haws e·fék)
png |[ Ing ]
:
pagtaas ng temperatura bílang epekto na nalilikha ng gas, gaya ng carbon dioxide, sa atmospera ng planeta.
green tiger prawn (grin táy·ger pron)
png |Zoo |[ Ing ]
:
hípong bulik.
Greenwich Mean Time (gri·nits min taym)
png |Heg |[ Ing ]
:
kagitnang oras na solar at ginagamit na istandard na oras sa buong mundo Cf GMT