gugu
gu·gu·lín
png |Ekn |[ gúgol+in ]
:
panggastos o salaping nakalaan para sa gastos.
gu·gun·tíng
png |Zoo
:
kulisap na kahawig ng tipaklong.
Gu·gú·rang
png |Lit Mit |[ Bik ST ]
:
sinaunang bathala na pinaniniwalaang naninirahan sa Bulkang Mayon.
gu·gu·yu·nán
png
:
sa paghábi, maliit na tíla tungkod na pinagsasabitan ng sinulid.