guhit


gú·hit

png
1:
sulat ng lapis at iba pang panulat na naiwan sa rabaw ng pinagdaanan : LÁIN4, LÍNYA1, RÁYA1, ULÍT3 — pnd gu·hí·tan, gu·mú·hit, i·gú·hit, máng·gú·hit
2:
bakás ng kayod ng hinilang kasangkapan at iba pa : BÁDLIS1, GÚLIS2, KÚRIS, ÚGED, ÚGIS2
3:
kulubot sa balát
4:
Sin larawang nilikha ng kamay
5:
hanggahan ng dalawang magkanugnog na pook.

gu·hít-gu·hít

png |[ ST ]
:
ang ginuhitan.

gú·hit-ka·máy

png |Sin |[ gúhit+kamáy ]
:
bagay na yarì o iginuhit ng kamay, gaya ng pintura.

gú·hit-pá·lad

pnd |[ gúhit+pálad ]
1:
Ana marka o mga linya sa palad ng isang tao

gú·hit-tag·pú·an

png |[ gúhit+tagpô+an ]
:
ang hanggahan o pagkakahati ng anumang bagay.