gupi
gú·pi
png |[ Ilk ]
:
putaheng may maliliit na piraso ng karne, atay, at bagà na iniluluto sa mantika at sukà.
gu·pil·píl
png
:
pitpít o pagpitpít.
gu·pít
png
1:
pagputol sa buhok, tela, papel, at iba pa sa pamamagitan ng gunting — pnd gu·mu·pít,
gu·pi·tán,
gu·pi·tín,
i·gu·pít,
i·páng·gu·pít,
máng·gu·pít
2:
[Kap Tag]
ayos o paraan ng pagkakaputol ng buhok, tela, at iba pa.