guro


gu·rò

png |[ War Tag ]
1:
tao na nagtuturò, lalo na sa paaralan ; tao na pagtuturò ang hanapbuhay o propesyon : EDUKADÓR, MAÉSTRA, MAMBÚNUNG, PEDAGÓGO1, TÍTSER var gurô Cf ÍNSTRUKTÓR, PROPÉSOR
2:
tao na huwaran sa gawain o modelo sa ugali at buhay Cf GÚRU

gu·ró·gu·tó

png |[ Hil ]
1:
mapaghinalang saloobin
2:
pagkawala ng tiwala.

gúr-on

png |[ Ilk ]
:
alinman sa dalawa o higit pang pangkat ng magkakaagapay na sinulid sa habihan.

gu·rót

png |[ Bik War ]