hasa


ha·sà

png
1:
pagpapatalas ng patalim : BÁID, BALÍT2, GÁRANG, GULINDÁ, LAGÍS1, LÁGIT1, LAPÍS1, TÁIS2 Cf GADGÁD, TAGÍS
2:
pagsasánay upang maging bihasa.

ha·sâ

pnr

ha·sa·áb

png
:
magaspang na bató, balát, o anumang ginagamit sa pagpapatalas ng kasangkapang may talím.

ha·sa·án

png |[ hasà+an ]
:
bató o katulad na pinagpapatalasan ng patalim : LAGÍSANG-BATÓ, TAGÍSANG-BATÓ, WHETSTONE1

ha·sà-ha·sà

png |Zoo |[ Seb Tag ]
:
uri ng mackerel (Rastrilliger brachysoma ) na matinik ang palikpik at may lambi ang paligid ng matá : ÁSA-ÁSA, AGUMÁA, KABÁLYAS, LÚMAN, SHORT-BODIED MACKEREL

há·sang

png |[ Akl Bik Hil Seb ST War ]
1:
Zoo bahagi sa dakong ulo ng mga isda at ginagamit sa paghinga : AGÁLYA, ASÁNGAN, DIRÍS, GILL
2:
Mus kasangkapang bumabálot sa mga instrumentong pangmusika
3:
kasangkapang inilalagay sa bútas ng kandado.

há·sap

png
:
usok na nakahihílam var ásap