hele


hé·le

png
1:
pagpapatulog sa batà sa pamamagitan ng mga awiting nauukol sa mga sanggol
2:
Lit Mus oyayi
3:
kunwarî o pagkukunwari

hé·le-hé·le

pnr
:
bahagi ng kawikaang “hele-hele bago quiere, ” nagkukunwang ayaw kahit ibig : PAKÍPOT

Hé·len

png |Lit Mit |[ Ing ]
:
asawa ni Menelaus na kapatid ni Agamemnon, sagisag ng magandang babae.

helenium (he·lé·nyum)

png |Bot |[ Gri Lat ]
:
haláman (genus Helenium ) na namumulaklak ng kahawig ng daisy.