himati


hi·ma·tì

png |[ hing+batì ]
1:
pag-ukulang mabuti ng pansin kung ano ang sinasabi
2:
tiwalà2 o pagtitiwalà
3:
bayad na ibinibigay sa inuupahang magbantay sa isang pook laban sa mga magnanakaw.

hi·ma·tíd

png |[ hing+patíd ]
1:
buwis o bayad sa kanselasyon o pagpapawalang-bisà ng isang obligasyon, kontrata, o karapatan
2:
buwis sa eksportasyon o paglalabas ng kalakal
3:
paggugupit ng sinulid, himaymay, at katulad upang maging pantay.