hinang


hí·nang

png |pag·hi·hí·nang, pag·hí·nang
:
pagdurugtong o pagtatagpi ng mga metál sa pamamagitan ng pagdarang at paglalagay ng magkahalòng lusáw na tinggâ at láta : LÁNANG1, SULDÁ, WÉLDING — pnd i·hí·nang, i·pa·hí·nang, mag·hí·nang.

hi·na·ngán

png |[ hinang+an ]
:
talyer na nagbibigay ng serbisyo sa paghihínang.

hi·na·ngáy

png |[ hing+tangáy ]
1:
Pis puwersang magnetiko
2:
pagsaklot o pagsunggab hábang dumadaan.

hi·nang·pít

pnd |hu·mi·nang·pít, i·hi·nang·pít |[ ST hing+sangpit ]
:
ihagis sa baybay o sa daungan.