hiro
hí·ro
png |[ Esp giro ]
1:
ínog o pag-inog
2:
takbo ng pangyayári, ang kinalabasan, ang kinahantungan.
hi·róg
png |[ War ]
:
batóng bugà ; panghilod.
hí·rol
png |Med |[ ST ]
:
matinding sakit ng tiyan var hiral
hi·ros·kó·pi·kó
pnr |[ Esp giroscópico ]
:
ukol sa paggalaw ng hiróskopyo.
hi·ros·kóp·yo
png |[ Esp giroscopio ]
:
aparatong may umiikot na gulóng na maayos ang pagkakabit, maaaring igalaw sa lahat ng direksiyon ang aksis, at may kakayahang mapanatili ang ganap na direksiyon sa kabilâ ng mga paggalaw ng mga nakakabit o nakapalibot na bahagi : GYROSCOPE