home
home (hom)
png |[ Ing ]
1:
2:
Isp pook na pinagtatapusan ng isang paligsahan o karera
3:
Com
panimulang pintungan ng website o aplikasyon, na karaniwang nagsisilbing buod ng nilalaman at serbisyo nito, at tinatawag ding home page.
homecoming (hom·ká·ming)
png |[ Ing ]
1:
uwî1 o pag-uwî
2:
taunang pagtitipon na ginaganap sa kolehiyo, unibersidad, o hay-iskul para sa mga nagtapos dito Cf REUNION
homeland (hóm·land)
png |[ Ing ]
:
lupang tinubuan.
homeopathy (ho·me·ó·pa·tí)
png |Med |[ Ing ]
:
paggamot sa sakít sa pamamagitan ng paggamit ng mababàng dosis ng droga.
homeostasis (ho·me·o·is·tá·sis)
png |Bio |[ Ing Gri ]
:
estado ng relatibong estabilidad o ang paghilig túngo sa gayong estado ng mga magkaiba at magkabukod na elemento ng isang organismo o ng isang pangkat ng tao.
homeotherm (ho·mé·o·térm)
png |Bio |[ Ing ]
:
organismo na napananatili sa konstanteng nibel ang panloob na temperatura ng katawan, madalas na higit na mataas sa temperatura ng kaligiran.
home plate (hom pleyt)
png |Isp |[ Ing ]
:
sa beysbol at ibang laro, isang sapád at may limang panig na bagay, sa gilid nitó tumatayô ang batter, sa ibabaw nitó pinararaan ang bola na ipinupukol ng pitcher, at tinatapakan ito ng runner para makaiskor : PLATE7
Hó·mer
png |Lit
:
makatang Greek noong ika-8 siglo at itinuturing na may-akda ng Iliad at Odyssey.
home run (hóm ran)
png |Isp |[ Ing ]
1:
sa beysbol at katulad, pagtama sa bola na nagpapahintulot sa batter upang makaikot sa apat na base at makapuntos
2:
puntos na naitalâ sa gayong paraan.
homestead (hóm·is·téd)
png |Pol |[ Ing ]
1:
lupang publiko na ipinamimigay ng pamahalaan
2:
lupain na iginagawad sa dáyo.