hot


hot (hat)

pnr |[ Ing ]
1:
kung sa panahon at katulad, mainit
2:
kung sa pagkain, maangháng.

hó·ta

png |[ Esp jota ]
1:
ang tawag sa Español ng letrang J : JOTA
2:
Mus Say sayaw at tugtuging Aragon, na iniangkop sa mga rehiyon sa Filipinas gaya ng Hota Batanggenya, Hota Boholana, Hota Samarenya, Hota Ilongga, at iba pa : JOTA

hó·tan

pnd |ho·tá·nin, hu·mú·tan, mag·hú·tan |[ ST ]

hot cake (hát keyk)

png |[ Ing ]
:
pinaghalòng arina, itlog, asukal, gatas, at pampalasa na piniprito sa kaunting mantika o mantekilya.

hotdog (hát·dog)

png |[ Ing ]
:
maliit na frankfurter.

ho·tél

png |[ Ing ]
:
komersiyal na establisimyentong maaaring upahan upang tirahan : OTÉL

hotelier (ho·tel·yér)

png |[ Ing ]
:
naglilingkod sa hotel.

hot·hót

png
1:
tunog ng busina ng awtomobil
2:
[Bik] tunog ng trumpeta at katulad na instrumentong hinihipan
3:
[Seb] mga tahol ng áso.

hot house (hat haws)

png |[ Ing ]
1:
gusaling kontrolado ang init, madalas na yarì sa salamin, para sa pagpapatubò ng haláman kahit wala sa panahon, o pook na may temperaturang higit na mababà kaysa likás para sa mga haláman
2:
kaligirang mabuti sa mabilis na development.

hot logs (hat lags)

png |[ Ing ]
:
mga trosong labag sa batas ang pagkakaputol.

ho·tó·tay

png |[ Chi ]
:
pagkaing may sabaw at pira-pirasong karneng baboy, hamón, hipon, ginayat na repolyo, at iba pang gulay.

hot plate (hát pleyt)

png |[ Ing ]
:
umiinit na platong metal para sa pagluluto o pagpapainit ng pagkain.

hot pot (hát pat)

png |[ Ing ]
1:
lutuán ng sari-saring pagkain
2:
pook na may ganitong lutuán.