hukbo


huk·bó

png |Mil
1:
malakí, organisado, at sandatahang pangkat na sinanay para sa anumang labanán : ÁRMI2, BÚYOT1, EHÉRSITÓ, HANGÁWAY, KUWÉRPO2
2:
ang kabuuang sandatahang-lakas ng isang bansa : ÁRMI2, BÚYOT1, EHÉRSITÓ, HANGÁWAY, KUWÉRPO2
3:
pangkat para sa isang layunin : ÁRMI2, BÚYOT1, EHÉRSITÓ, HANGÁWAY, KUWÉRPO2

huk·bóng-dá·gat

png |Mil |[ hukbo+ng-dagat ]
:
hukbong pandagat ng bansa, kasáma ang mga sasakyan, himpilan, tauhan, at sistemang nagpapanatili nitó : NAVY

huk·bóng-ka·tí·han

png |Mil |[ hukbo+ng-kati+han ]
:
hukbó ng mga sundalong panlupa : ÁRMI1 var hukbóng-káti

huk·bóng-pang·hím·pa·pa·wíd

png |Mil |[ hukbó+ng-pang+himpapawid ]
:
hukbong nangangalaga sa himpapawid ng isang bansa : AIR FORCE

huk·bóng-san·da·ta·hán

png |Mil |[ hukbó+ng-sandata+han ]
:
pangkalahatang hukbong militar ng isang bansa, lalo na ang hukbong-dagat, hukbong-katihan, at hukbong-panghimpapawid.

huk·bót

png |Zoo
:
ang bundok o bukol sa likod ng hayop gaya ng sa kamel : HUMP1