hura
hu·rá·han
png |[ Esp jurar+Tag han ]
:
pook o presinto sa pagpapalista ng botante.
hu·ra·héd
png |Ark |[ Iva ]
:
mababàng dingding na gawâ sa bató at ginagamit na lunduan ng bahay.
hú·rak
png |Agr |[ War ]
:
tag-ani ; panahon ng kasaganaan.
hu·ra·men·tá·do
png |[ Esp juramentado ]
1:
panata ng mandirigmang Muslim na makipaglaban hanggang kamatayan pagkatapos na dumaan sa pagsasanay, pag-aayuno, pagdarasal, at pakikinig ng mahabàng sermon ukol sa paraiso
2:
tao na may gayong panata
3:
Alp tao na nagwawala.