huwego!
hu·wé·go
png |[ Esp juego ]
1:
maluwag na paggalaw ng isang bagay sa pinagkakabitan nitó tulad ng manibela, o gulóng ng kotse
2:
kagamitan, set ng mga aksesorya, o mga bahagi ng isang yunit na mekanikal
3:
laro1 gaya sa huwego de palabra — pnd i·hu·wé·go,
mag·hu·wé·go.
hu·wé·go de-a·níl·yo
png |[ Esp juego de anillo ]
:
laro ng kalalakíhan sa Nueva Ecija at Katagalugan na sinusungkit ng istileto ang mga singsing na nakabitin sa kawayan hábang sakay ng kabayo : KÁWAR NING SINGSÍNG
hu·wé·go de-pa·láb·ra
png |Lit |[ Esp juego de palabra ]
:
paglalaro sa salita.
hu·wé·go de-prén·da
png |Lit Tro |[ Esp juego de prenda ]
:
larong may tula at áwítan bílang aliwan sa lamay.
hu·wé·go de-to·ro
png |[ Esp juego de toro ]
:
aliwang nagtatampok sa paglalaro at pagpatáy sa toro.