hydra
hydra (háy·dra)
png |[ Ing Gri ]
1:
Mit
sa malaking titik, ahas na may maraming ulo na muling tumutubò kapag pinutol
2:
Zoo
organismo (genus Hydra ) na pahabâ ang katawan, may mga galamay, at muling tumutubò ang naputol na bahagi ng katawan.
hydraulic (hay·dró·lik)
pnr |[ Ing ]
1:
dumadaloy sa mga túbo sanhi ng presyon
2:
pinakikilos ng likido sa nabanggit na paraan.
hydraulics (hay·dró·liks)
png |[ Ing ]
:
agham ng pagpapadaloy ng likido sa mga túbo at iba pa bílang lakas sa pagpapakilos.
hydrazine (háy·dra·zín)
png |Kem |[ Ing ]
:
likidong alkaline (N2H4) na walang kulay, isang malakas na reducing agent at ginagamit na panggatong sa mga rocket.