ikap
i·ká·pa-
pnl |[ ika+pa- ]
:
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng dahilan ng pagkakuha ng isang bagay o sanhi ng anumang nagawâ, hal ikápabuntis, ikápabili.
i·ká·pag-
pnl |[ ika+pag- ]
:
pambuo ng pandiwa, mula sa pandiwang mag-, at nagpapahiwatig ng dahilan ng paggawâ o pagsasagawâ, hal ikapágbilí, ikapághiráp.
i·ká·pag·pa-
pnl |[ ika+pag+pa ]
:
pambuo ng pandiwa na nagpapahiwatig ng pagtindi ng ikápa- at mula sa pandiwang magpa-, hal ikápagpapaalís, ikápagpabili.
i·ká·pag·pa·ka-
pnl |[ ika+pag+pa+ka ]
:
pambuo ng pandiwa, bahagi ng seryeng ika- mula sa magpaka-, at nagpapahiwatig ng dahilan ng kusang paggawâ ng isang bagay o pagsusumikap maging katulad ng isinasaad ng salitâng-ugat, hal ikápagpakabuti, ikápagpakamatáy.
i·ká·pa·ká-
pnl |[ ika+paka- ]
:
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng sanhi ng pagkagawâ nang higit sa kailangan, hal ikápakákuskos, ikápakátaas.
i·ka·pa·ká·pag-, -an
pnl |[ ika+paka+ pag+an ]
:
pambuo ng pandiwa, inilalapi sa pandiwang mag-, -an at nagpapahiwatig ng dahilan para sa higit na matinding pagsasagawâ nang balíkan o sabáyang gawain ng dalawa o higit pang tao, hal ikapakápagtawánan, ikapakápagsigáwan.
i·ka·pa·ká·pag-
pnl |[ ika+paka+pag ]
:
pambuo ng pandiwa, inilalapi sa pandiwang mag-, at nagpapahiwatig ng sanhi ng paggawâ o pagsasagawâ nang higit sa kailangan, hal ikapakápaghirap, ikapakápag-aral.
i·ka·pa·ká·pag·pa-
pnl |[ ika+paka+pagpa ]
:
pambuo ng pandiwa, inilalapi sa pandiwang magpa-, at nagpapahiwatig ng paghingi o pagpilit sa iba na gumawâ o magsagawâ ng isang bagay, hal ikápakápagpaalis, ikápakápagpabilí.
i·ká·pa·ká·pag·pa·ká-
pnl |[ ika+paka+ pag+paka ]
:
pambuo ng pandiwa, inilalapi sa pandiwang magpaka-, at higit na matindi ang ipinahihiwatig kaysa ikapagpaka-, hal ikápakápagpakahulog.
i·ká·pa·ká·pan-
pnl |[ ika+paka+pa+ na ]
:
varyant ng ikápakápang- na nagapahiwatig ng higit na matinding paggawâ o pagsasagawâ kaysa ikapan-, hal ikápakapanlumò.
i·ká·pa·ká·pang-
pnl |[ ika+paka+pa+ an ]
:
para sa pandiwang magpaka-, at higit na matindi ang ipinahihiwatig kaysa ikapang-, hal ikapakapanghamok, ikapakapang-init var ikápakápam-,
ikápakápang-
i·ká·pa·ki-
pnl |[ ika+paki+pa ]
:
pambuo ng pandiwa, inilalapi sa pandiwang maki-, at nagpapahiwatig ng dahilan, sanhi, o motibo ng paghingi ng pabor o pagsáli, hal ikapakiúsap, ikapakibilí.
i·ká·pa·ki·pa-
pnl |[ ika+paki+pa ]
:
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng katulad na kilos sa ikápaki- ngunit may dagdag na kahulugan mula sa pangngalang pa-, hal ikápakípagawâ, ikápakípasáma.
i·ká·pa·ki·pag-
pnl |[ ika+paki+pag ]
:
pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng katulad na kilos sa ikápaki- ngunit may dagdag na kahulugan mula sa pandiwang mag- kaugnay ng kahulugan ng ikapag-, hal ikápakípagbilí var ikápakípam-,
ikápakípan-
i·ká·pa·kí·pam-
pnl
:
varyant ng ikápakipag- na nagpapahiwatig ng pinagsámang kahulugan ng ika- (nagpapahiwatig ng dahilan ng ), paki- (nagpapahiwatig ng pakiusap, paghiling, o paghugpong ), at pang-, pam- na mula sa pandiwang mang-, mam-, hal ikapakipamilí.
i·ká·pa·kí·pan-
pnl
:
varyant ng ikápa-kipag- na katulad ng ikapakipam- ngunit mula sa pandiwang mang-, man-, hal ikápakípaningíl.
i·ká·pam-
pnl |[ ika+pang+pam- ]
:
varyant ng ikápang- para sa salitâng-ugat na nagsisimula sa B o P, at nagpapahiwatig ng dahilan ng pagkilos o paggawâ gaya ng sa ika- ngunit may kaunting diin sa maramihang pagkilos, hal ikápamili, ikápamundok.
i·ká·pan-
pnl |[ ika+pang+pan- ]
:
varyant ng ikápang- para sa salitâng-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, o T at nagpapahiwatig ng dahilan ng pagkilos o paggawâ gaya ng sa ika- ngunit may kaunting diin sa pagpapatuloy ng pagkilos o paggawâ, hal ikápandiri, ikápanligaw.
i·ká·pang-
pnl |[ ika+ pang- ]
:
pambuo ng pandiwa, batayan ng ikapam- at ikapan-, at nagpapahiwatig ng dahilan ng pagkilos na may kaunting diin sa maramihang pagkilos o paggawâ, hal ikapanggígil, ikápangmanmán var ikápam-,
ikápan-
I·ka·pá·ti
png |Mit |[ ST ]
:
diyosa ng fertilidad ; diyosa o tagapangalaga ng agrikultura.