indayog


in·dá·yog

png
1:
Lit sinukat na daloy ng mga salita at parirala sa berso o prósa : AWINÁWON, KADÉNSIYÁ1, LAWIWÌ, RHYTHM, RÍTMO
2:
Mus aspekto ng komposisyong pangmusika na hinggil sa asénto at habà ng mga nota ; o partikular na uri ng padron na binubuo nitó, hal samba, duple : KADÉNSIYÁ1, LURANDÁN, RHYTHM, RÍTMO
3:
Pis pagkilos nang may regular na pagkakasunod-sunod ang malakas at mahinàng elemento : RHYTHM, RÍTMO — pnd i·in·dá·yog, mag-in·dá·yog, pa·in·da·yú·gin, u·min·dá·yog
4:
panahon ng mga pangyayari o kilos na regular at nauulit : RHYTHM, RÍTMO