isis
Isis (áy·sis)
png |Mit |[ Ing ]
:
diyosa ng kalikasan ng Ehipto, asawa ni Osiris, at ina ni Horus.
i·sís
pnd |i·si·sán, i·si·sín, mag-i·sís
:
maglinis sa pamamagitan ng dahon ng isis ; magliha.
i·sís
png |Bot |[ Kap Hil Seb Tag ]
í·sis
png
1:
Zoo
[Iva]
kaliskis ng isda
2:
[Bik]
pagiging sakím.
i·sís-ku·líng
png |Bot
:
isís na may dahon, at may bunga na matigas, magaspang, at mabutó.