iskeyt


is·kéyt

png |[ Ing skate ]
1:
sapatos na may mga gulóng, at ginagamit sa pagpapadulas sa patag at makinis na rabáw : PATÍN, SKATE
2:
bota na may mga blade na nakakabit sa ilalim nitó, at ginagamit sa pagpapadulas sa sahig na yelo : PATÍN, SKATE

is·kéy·ter

png |[ Ing skater ]
:
tao na nag-iiskeyt : PATINADÓR, SKATER

is·kéy·ting

png |Isp |[ Ing skate+ing ]
:
pagsasanay o pagtatanghal sa pamamagitan ng paggamit ng mga skate : SKATING