iskrin


is·krín

png |[ Ing screen ]
1:
pirme o natitinag na kasangkapan, karaniwang binubuo ng balangkas, at nagsisilbing proteksiyon, tabing, at iba pa : SCREEN
2:
blangko, karaniwang putî o pilak na rabáw, maaaring magdulot ng liwanag para sa pagpapalabas ng pelikula at iba pang larawang potograpiko : SCREEN
3:
rabaw na túbong cathode o katulad na elektronikong kasangkapan, lalo na ang telebisyon, VDU, at iba pa : SCREEN
4:
balangkas na may manipis, pino, at salá-saláng kawad upang magsilbing proteksiyon laban sa langaw, lamok, at iba pa : SCREEN
5:
sa potograpiya, piraso ng salamin sa kamera para sa pagpopokus : SCREEN
6:
malakíng salaán, lalo na ng mga butil at iba pa : SCREEN
7:
sistema ng pagsusuri o pag-alam sa pagkakaroon ng sakít, kakayahan, katangian, at iba pa : SCREEN Cf TEST — pnd i·is·krín, mag-is·krín
8:
sa paglilimbag, plaka o film na pino at nanganganinag, at ginagamit sa reproduksiyon : SCREEN