itlog


it·lóg

png |Zoo Bot |[ Akl Hil Ilk Seb Tag Tau War ]
1:
reproduktibong bilugáng bagay na nalilikha ng mga babaeng hayop tulad ng ibon, reptil, at isda, may pananggalang na bálot, at may kakayahang maging bagong indibidwal : BÓNAY, BÚGI1, ÉBUN, EGG, ETNÓL, ÍKNOL, ÍLLUG, OTIÓY, SÓGOK
2:
reproduktibong selula ng mga babaeng hayop at halaman.

it·lóg-bá·lang

png |Bot
:
uri ng bigas na kahugis ng itlog ng bálang ang butil.

it·lóg-bu·wá·ya

png
:
maliit na tása at kahugis ng itlog ng buwaya.

it·lóg-na-ma·á·lat

png |[ itlóg na ma+ álat ]
:
itlog ng itik na nilaga at ibinabad sa tubig na may asin, karaniwang kinukulayan ng pulá ang balát para maiba sa ibang itlog ng manok kayâ tinatawag ding itlog na pulá.

it·lóg na pu·lá

png
:
itlog na maalat.