iya


i·yá

png |[ ST ]
:
utos para habulin ng áso ang ibang usá.

í·ya

png
1:
sakít sa ilong na lumilikha ng súgat
2:
pagpapaubaya sa pagpapasiya.

í·ya

pnh |[ Hil Seb ]

í·yab

png |[ ST ]

i·yá·ban

png |[ ST ]
:
maliit na brasero, gaya ng dapugan.

í·yag

png |Mit
1:
[ST] pagtigas ng uten dahil sa naisip na kalibugan Cf ÚTOG
2:
[Igo] paglalakbay sa gilid ng bundok upang maghanap ng mga kaluluwa o makakíta ng pangitain bago magsimula ang begnas.

i·yá·gok

png |[ Seb ]

i·yá·is

png |[ ST ]
:
pagkuskos ng isang bagay sa isang bagay : IYÁIT

i·yá·it

png |[ ST ]

í·yak

png |[ Hil ]
:
piyók ng manok.

i·yá·kis

png
:
pag-aayos ng mga bagay batay sa pangangailangan, pagkakasunod-sunod, at iba pa.

i·yá·ma

png |[ ST ]
:
pagtatalik ng mga hayop.

i·yá·mo

png |[ ST ]
:
pagpapahinahon sa loob ng isang tao.

i·ya·mót

png |[ ST ]
:
pagiging yamót.

i·yán

pnh |[ Bik Kap Tag ]
:
pamatlig na tumutukoy sa anumang malapit sa kausap : AYÁN, NGANÂ, NGANHÁ, THAT

i·ya·wa·rí

png |[ Pan ]