kalatsutsi


ká·la·tsú·tsi

png |Bot |[ Mex calachuchi ]
:
halámang ornamental (Plumiera acuminata ) na mabango ang bulaklak : kálalátsi, kálatsútsing-pulá, kánda, káratsútsi var kalasutsî

ká·la·tsú·tsing-bang·kók

png |Bot |[ Mex calachuchi+na bangkok ]
:
pa-lumpong (Adenium obesum ) na may makapal at namamagang bunged, 3 m ang taas, at may bulaklak na hugis túbo, at limang talulot sa dulo na kulay pink o pulá, katutubò sa South Africa at ipinasok sa Thailand bago dinalá sa Filipinas : impala lily

ká·la·tsú·tsing-di·láw

png |Bot |[ Mex calachuchi+na dilaw ]
:
punongka-hoy (Plumeria rubra formalutea ) na kahawig ng kalatsutsi ngunit dilaw ang korola.

ka·la·tsú·tsing-pu·lá

png |Bot |[ Mex calachuchi+na pulá ]
:
kalatsutsi (Plumeria rubra forma rubra ).

ká·la·tsú·tsing-pu·tî

png |Bot |[ Esp calachuchi+na putî ]
:
palumpong o punongkahoy (Plumeria obtusa ) na maliit, madagta ang punò at dahon, at putî ang bulaklak na may dilaw sa gitna.