lambit
lam·bít
png |[ ST ]
1:
pakiusap para sa isang bagay ng babae sa kaniyang asawa
2:
pagsasabit ng isang bagay na isinasabit.
lam·bi·tâ
png
1:
[ST]
paraan ng pagtatrabaho na nagpapalipas lámang ng oras hábang hinihintay ang uwian
2:
Zoo
kambing na lalaki na nása panahon ng pangangasawa.
lam·bí·tin
pnd |lam·bi·tí·nan, lu·mam·bí·tin, mag·lam·bí·tin
:
kumapit nang mahigpit sa mataas na bagay hábang nakabitin ang katawan gaya ng ginagawâ ng unggoy Cf KUNYAPÍT