latag
lá·tag
png |[ Bik Kap Hil Seb Tag ]
1:
paglaladlad ng bagay na nakabalumbon
2:
pagpapahayag ng kurò
3:
paglalagay sa patag na pook katulad ng sahig, kama, o lupa — pnr la·tág. — pnd i·lá·tag,
la·tá·gan,
lu·má·tag,
mag·lá·tag
la·tá·gan
png |[ ST latag+an ]
1:
apog ng buyo na ipinapahid sa dahon
2:
pook o bagay na laan sa pagkukula ng damit
3:
kalye na inaspalto
4:
sahig ng baldosa.