lent
len·ta·mén·te
pnr |Mus |[ Ita ]
:
marahang tugtog.
lén·te
png |[ Esp ]
1:
Pis
substance na malinaw, karaniwang kurbado ang mga gilid upang magpakalat o magtipon ng liwanag lalo na sa mga instrumentong optikal : LENS
2:
Pis
kasangkapang gamit sa pagpopokus o pagbabago ng direksiyon ng galaw ng liwanag, tunog, elektron, at iba pa : LENS
len·te·hu·wé·las
png |[ Esp lentejuelas ]
:
maliit at manipis, karaniwang bilog na piraso na kumikináng na bagay at ginagamit na pampalamuti sa mga kasuotan.
Lén·ten
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa Kuwarésma.
lenticel (lén·ti·sél)
png |Bot |[ Ing ]
:
alinman sa mga bútas na napakaliit na nása tangkay ng halámang matigas, tulad ng kahoy, at nagpapahintulot ng palítan ng gas sa atmospera at sa mga panloob na tissue.
lén·til
png |Bot |[ Ing ]
1:
haláman (Lens culinaris ) na nagbubunga ng mga nakakain at maumbok na butó : LENTÉHAS
2:
ang butó ng halámang ito : LENTÉHAS
lén·to
pnr |Mus |[ Ita ]
:
marahang tugtog.