leon


le·ón

png |Zoo |[ Esp ]
:
hayop (Panthera leo ) na malaki, mabagsik, karniboro, at kamag-anak ng mga pusa : HALÍMAW2, LION var liyón

le·ó·na

png |Zoo |[ Esp ]
:
babaeng leon.

leone (li·yón)

png |Ekn |[ Ing ]
:
batayang yunit ng pananalapi ng Sierra Leone.

le·o·ní·no

pnr |[ Esp ]
:
katulad ng o parang leon.

leontiassis (le·yón·ta·yá·sis)

png |Med |[ Ing ]
:
sakít na may katangiang tulad ng ketong, nangangapal ang tissue o butó sa mukha na nagiging dahilan ng pagkakahawig sa leon.

le·on·tí·na

png |[ Esp ]
:
uri ng kadena ng relo.