ligaw


li·gáw

pnr
1:
nawala sa tamang daan : DÁDAG, DALINGSÍL1, LÍLI — pnd na·li·gáw
2:
ilahas na halaman o tumutubo nang hindi inaalagaan
3:
nalisyâ gaya ng ligáw na bala.

lí·gaw

png
1:
[ST] pamamasyal, batay dito ang kasabihang “lígaw na babae ” para sa pakawalâ at “anak sa lígaw ” para sa bastardo
2:
[ST] paglakad nang patigil-tigil
3:
pan·li· lí·gaw pangingibig ng lalaki sa babae : ÁREM
4:
pan·li·lí·gaw panunuyò sa sinuman upang makuha ang pakay : ÁREM — pnd lu·mí·gaw, li·gá·wan, man·lí·gaw.

li·ga·wán

png |[ ligaw+an ]
:
mga kilos na nagaganap sa lígaw o panliligaw.

li·gaw·gáw

png
:
kiliti sa ibang bahagi ng katawan bukod sa kilikili.

li·ga·wín

pnr |[ Seb Tag ligaw+in ]
:
malimit suyuin o ibigin ; madalîng umakit ng manliligaw.