limon


li·món

png |Bot |[ Esp ]
:
sitrus (Citrus limon ) na may bungang manilaw-nilaw, may makapal na balát, at may maasim na katas : GU-RUNGGÚRONG, LÉMON Cf DALANDÁN, KA-BÚYAW, MAKALPÍ, TAMBULÍLID

li·mo·ná·da

png |[ Esp ]
1:
inuming may katas ng limon at tinimplahan ng tubig at asukal : LEMONADE, HARÁBE3
2:
sintetikong pampalit dito : LEMONADE

li·mon·món

png |[ ST ]
:
bilugáng katawan.

lí·mon·sí·to

png |Bot |[ Esp limoncito ]
:
sitrus (Triphasia trifolia ) na may tinik ang ibabâ ng bawat dahon, putî at mabango ang bulaklak, at nakakain ang bunga : LIME BERRY