limpi
lim·pí
png |[ ST ]
:
bakod na yarì sa huwad na bató.
lim·pî
png
:
kuta o barikada na gawâ sa mga bató.
lim·pî
pnr |[ Kap Tag ]
:
nagtipon-tipon ; nagsáma-sáma bílang isang pangkat.
lim·pík
png |[ ST ]
:
tapayan o malaking banga na may tatangnan.
lim·pít
png |[ ST ]
:
banga na may maluwang na bunganga.
lim·pi·ya-bó·ta
png |[ Esp limpiabotas ]
1:
tao na paglilinis ng sapatos, bota, at katulad ang hanapbuhay : SHOEBLACK
2:
ang naturang hanapbuhay : SHOEBLACK
lim·pi·yé·sa
png |[ Esp limpieza ]
:
paglilinis ; ang tungkuling maglinis.