line
lineal (lín·yal)
pnr |[ Ing ]
1:
nása direktang linya, gaya ng inapo o lahi
2:
hinggil sa linya
3:
mána o namána sa ninuno.
linear (lín·yar)
pnr |[ Ing ]
1:
hinggil sa linya
2:
hinggil sa habà.
lineman (láyn·man)
png |[ Ing line+man ]
:
tagapagkabit o tagapag-ayos ng mga kable sa linya ng telepono, koryente, at iba pa.
lí·nen
png |[ Ing ]
1:
sinulid o telang gawâ sa himaymay ng haláman (genus Linum )
2:
damit, kubrekama, at iba pang yarì sa telang linen o sa kahalili nitóng cotton.
liner (láy·ner)
png |[ Ing ]
1:
bapor o eroplanong komersiyal
2:
anumang nagbabakat o nagmamarka ng mga linya
3:
uri ng kosmetiko, gaya ng grasang lapis o iba pang preparasyong ginagamit na pangguhit sa rabaw ng talukap ng matá o ibabâ ng pilikmata.