liter
lí·ter
png |[ Ing ]
:
lítro (symbol l ).
literacy (lí·te·ra·sí)
png |[ Ing ]
:
kalidad o kalagayan ng pagiging marunong at may kakayahang bumása at sumulat.
li·te·rál
pnr |[ Esp ]
1:
alinsunod sa pang-unang kahulugan ng isang salita na iba sa metaporiko o eksaheradong pakahulugan
2:
hindi lumalayô sa orihinal
3:
salita sa salita ; letra por letra.
literary criticism (li·te·rá·ri krí·ti·sí·zem)
png |Lit |[ Ing ]
:
kritisismong pampanitikan.
li·te·rá·ti
png |[ Ing ]
1:
tao na marunong o may mataas na pinag-aralan
2:
samahán ng mga tao na marurunong at may natamo sa panitikan.
li·te·rá·tim
pnr |[ Lat ]
:
súlat sa súlat.