loa


lo·á

png |[ ST ]
1:
matandang anyo ng luwâ
2:
tumutukoy sa salitâng ginagamit upang pahintuin ang kalabaw.

ló·a

png |Lit
:
mahabàng tula ng papuri, karaniwang binibigkas bílang pagsalubong sa isang panauhing opisyal, parangal sa patron kung pista, o intermisyon sa dula at palatuntunan var lówa, luá1

load (lowd)

png |[ Ing ]
4:
bílang na napakarami.

loader (lów·der)

png |[ Ing ]
:
tagapagkarga o tagahakot ng mga kargada.

loading (lów·ding)

png |[ Ing ]
1:
pagkakarga ; paglululan ; o pagsasakay ng pasahero
2:
bagay na naikakarga.

loaf (lowf)

png |[ Ing ]
1:
bahagi ng inihurnong tinapay at may istandard na súkat at hugis
2:
kantidad ng iba pang pagkain na may partikular na hubog.

loaf (lowf)

pnd |[ Ing ]
:
maglakwatsa ; magpalipas ng oras nang walang ginagawâ.

loafer (lów·fer)

png |[ Ing ]
:
tao na bulakbol.

loan (lown)

png |[ Ing ]
1:
pagpapahiram ; pagpapautang