luha
lu·háb
png |[ ST ]
:
pagpasok ng tubig sa loob ng isang sasakyang-dagat.
lú·hang-da·lá·ga
png |Bot |[ luha+ng dalaga ]
:
halámang (Euphorbia tithymaloides ) madalîng lumago, madagta, makinis, at makapal ang punò, katutubò sa Mexico.
lú·har
png |[ ST ]
:
luhód, ginagamit lámang sa tula o sa komedya.
lu·ha·yá
png |[ ST ]
:
paghingi nang buong puso sa isang bagay.
lu·há·ya
png |[ ST ]
:
matindi at labis na pagmamahal sa isang bagay at kayâ ninanais bilhin kahit ilang ulit.