lum-piya
lum·pi·yâ
png |[ Chii ]
1:
putaheng binubuo ng hipon, karne, at gulay, ginigisa at binabálot sa manipis na pambalot na arina : SPRING ROLL
2:
anumang putahe na binalot sa gayong paraan : SPRING ROLL
lum·pi·yáng sa·ri·wà
png |[ Chi lumpiya+Tag na sariwa ]
:
lumpiya na may palamáng sariwang gulay at may kasámang manamis-namis na sawsawan.
lum·pi·yáng shanghai (lum·pi·yáng syáng·hay)
png |[ Chi lumpiya+Tag ng Shanghai ]
:
maliit na lumpiya na may palamáng baboy at hipon, ipinirito at may manamis-namis na maasim-asim na sawsawan.
lum·pi·yáng ú·bod
png |[ Chi lumpiya+Tag na ubod ]
:
lumpiya na may palamáng ubod ng niyog at may kasámang manamis-namis na sawsawan.