lungay
lu·ngáy
pnr
:
layláy, nakalaylay.
lu·nga·yî
pnr
:
nakayuko o nakatungó, karaniwan kapag namimighati o nalulungkot.
lu·ngá·yi
png |[ ST ]
1:
paghihilig ng ulo sa unan, o sa ibang bahaging mas mababà, upang magpahinga
2:
paghuhugas ng ulo sa pamamagitan ng paglulubog nitó sa tubig, at ang mukha ay nása itaas
3:
paglungayngay nang ang mukha ay nása itaas.
lu·ngay·ngáy
pnr |[ Hil Seb Tag ]
:
nakabagsak ang ulo nang patalikod ; nakakiling ang katawan sa likuran dahil sa kawalan ng lakas.