lusong


lu·sóng

png |[ Chi Hil Seb Tag War ]
:
kasangkapang gawâ sa kaputol na katawan ng kahoy na may uka sa gitna at pinagbabayuhan ng palay : ALSÓNG, ÁTUNG, BABAYÁN, BAYÚHAN, HÚSONG, LASÓNG, LÉSONG, LUBÁNG2 Cf ALMIRÉS

lú·song

png |[ ST ]
1:
pagbabâ mula sa isang mataas na pook
2:
Kom pagbibili ng mga bagay sa mababàng halaga — pnd i·lú·song, lu·mú·song, lu·sú·ngin
3:
pagtatrabaho ng alipin sa araw na mamasukan siya sa kaniyang amo
4:
trabahong arawan
5:
sapilitang pagpapasumpa sa isang tao, o sapilitang pagkuha ng isang bagay.