mandala
man·da·lâ
png |Agr |[ ma+n+dala ]
:
pinakamalaking tumpok ng mga ginapas na palay na isinaayos na tíla pabilog na piramide upang patuyuin bago giikin : STACK1 Cf BÉLITÀ,
BINALIMBÍNG,
BINIGKÍS,
SÍPOK
man·dá·la
png |[ Ing ]
1:
bilog na simbolikong pigura na inilalarawan ang kalawakan sa iba’t ibang relihiyon
2:
sa sikolohiya, ang simbolong ito sa panaginip na naglalarawan sa paghahanap ng kaganapan at kaisahan ng taong nananaginip.