mangag


ma·ngág-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng anyong palansak ng pandiwang mag-, hal mangag-aral, mangagdaos Cf NANGÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudug-tungan ng hulaping -an o -han, at nakatuon sa maramihang tagaganap, hal mangagtakbuhan, mangag-labasan Cf NANGÁG-

ma·nga·gát

png |Zoo |[ Bik ]

ma·ngág·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng pagkakaroon o ng maaaring maganap, hal mangagkabahay, mangagkaniyog Cf NANGÁGKA-
2:
pambuo ng pandiwa, dinurugtungan ng hulaping –an, at nagsasaad ng maramihang aksiyon, hal mangagkaabutan, mangagkabigayan, mangagkawalaan Cf NANGÁGKA-

ma·ngág·ka·ká-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang tagaganap at aksiyon, at inuulit ang salitâng-ugat upang ipakíta ang maaaring maganap o ang magaganap sa hinaharap, hal mangagkakalayô, mangagkakalayô-layô Cf NANGÁGKAKÁ-

ma·ngág·pa-

pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at matinding diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpatayô, mangagpaluntî Cf NANGÁGPA-

ma·ngág·pa·ká-

pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihang tagaganap at sukdulang diin sa pangkalahatang aksiyon, hal mangagpakasamâ, mangagpakabuti Cf NANGÁGPAKÁ-

ma·ngág·si-

pnl
:
pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng maramihang aksiyong palansak, hal mangagsialis, mangagsibalik, mangagsidalo Cf NANGÁGSI-

ma·ngág·si·pág-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipag-aral, mangagsipagbayad Cf NANGÁGSIPÁG-
2:
pambuo ng pandiwa at dinurugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng higit na masidhi at maramihang aksiyong palansak, hal mangagsipag-alisan, mangagsipagtakbuhan Cf NANGÁGSIPÁG-

ma·ngág·si·pág·pa-

pnl
1:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyong palansak, hal mangagsipagpatihulog, mangagsipagpatiwakal Cf NANGÁGSIPÁGPA-
2:
pambuo ng pandiwa at dinudugtungan ng hulaping –an o –han, nagsasaad ng maramihang tagaganap at ng higit na masidhing aksiyong palansak, hal mangagsipagpapatayan, mangagsipagpapakulahan Cf NANGÁGSIPÁGPA-

ma·ngág·si·pág·pa·ká-

pnl
:
pambuo ng pandiwa at nagsasaad ng maramihan at pinatinding aksiyon hinggil sa hinaharap, hal mangagsipagpakabuti, mangagsipagkasamò Cf NANGÁGSIPÁGPAKÁ-