mansa
Man·sá·ka
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Mandaya.
man·sá·la
png |[ Seb ]
:
parisukat na alampay var monsala
man·sá·lay
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng punongkahoy.
man·sá·na
png |[ Esp manzana ]
:
bloke sa isang lansangan.
man·sá·nas
png |Bot |[ Esp manzana+ s ]
:
maliit na punongkahoy (Pyrus malus ) na may bungang karaniwang bilóg, pulá ang balát, at nakakain : APPLE
man·sa·níl·ya
png |Bot |[ Esp manzanilla ]
1:
haláman (genus Anthemis ) na may aromatikong amoy at nakagagamot ang mga bulaklak : MANZANILLA
2:
[Ilk]
arátilés.
man·sa·ní·tas
png |[ Esp manzanitas ]
1:
maliit na mansanas
2:
palumpong o maliit na punongkahoy (genus Arctostaphylos ) na marami sa Hilagang America na may bunga na sinlaki ng duhat at nakakain
man·sáy
png |Med |[ Bik ]
:
pagkabanlag o pagkaduling dahil sa matagal na pagtitig sa isang bagay.
mán·say
png |[ Bik ]
:
pansin2 o pagpansin.