materyal
ma·ter·yál
pnr |[ Esp material ]
1:
hinggil sa mga bagay na kongkreto sa halip na espiritwal
2:
hinggil sa mga pangangailangan o lunggati ng katawan
ma·ter·yá·les
png |[ Esp material+es ]
1:
bagay na pinagmulan ng isa pang bagay : MATERIAL
2:
mga bagay na kailangan para sa isang gawain : MATERIAL
3:
impormasyon at katulad upang magamit sa pagsulat ng aklat, at iba pa : MATERIAL
4:
sangkap o bahagi ng isang substance : MATERIAL
ma·tér·ya·lís·mo
png |Pil |[ Esp materialismo ]
1:
teorya na nagsasaalang-alang sa matter at paggalaw nitó bílang batayan at umaapekto sa sansinukob at sa lahat ng pangyayaring nadarama kabílang na ang pag-iisip : MATERIALISM
2:
atensiyon o diin sa mga bagay na kongkreto, pangangailangan at mga konsiderasyon na walang pagpapahalaga o nagtatakwil sa mga espiritwal na bagay : MATERIALISM
ma·tér·ya·lís·ta
png |[ Esp materialista ]
1:
tao na higit na nagpapahalaga sa mga bagay na materyal kaysa espiritwal
2:
tao na naniniwala sa materyalismo.
ma·tér·ya·lís·ti·kó
pnr |[ Esp materialistico ]
:
tao na salapi at yaman ang pamantayan ng buhay.