mayang


ma·yáng

png
1:
Bot [ST] tangkay ng mga bunga ng niyog

má·yang

png |Zoo |[ Pan maya+ng ]

ma·yá·ngan

png |Bot |[ maya+ngan ]
:
matigas na bahagi ng tangkay ng niyog.

má·yang-bá·hay

png |Zoo |[ maya+na-bahay ]
:
pinakakaraniwang nakikíta sa paligid na uri ng maya (Passer montanus ), kulay kastanyas ang ibabaw ng ulo, may putîng pisngi, itim na lalamunan, at abuhing kayumangging balahibo sa ibang bahagi ng katawan, at nagpupugad sa mga singit ng bubong at ibang bahagi ng mga bahay at gusali.

má·yang-ba·tó

png |Zoo |[ maya+ng-bato ]
:
malaking uri ng máya.

má·yang-dam·pól

png |Zoo |[ maya+na-dampol ]

má·yang-ka·wá·yan

png |Zoo |[ maya +na-kawayan ]
:
máya (Erythrura hyperythra ) na mas makapal ang tuka, madilim na lungtian ang pang-itaas na bahagi at kalawanging dalandan ang pang-ibabâng bahagi ng katawan : PARROTFINCH

má·yang-kos·ta

png |Zoo |[ maya+na-kosta ]
:
ibong Java (Padda oryzivora ) at pinakamaganda sa uri ng máya, may magkahalong itim, putî at rosas ang balahibo, at pink ang tukâ : JAVA SPARROW

má·yang-pa·kíng

png |Zoo |[ maya+na-paking ]
:
uri ng maya (Lonchura punctulata ), kayumanggi ang pang-itaas na bahagi at parang kaliskis na putî ang pang-ibabâng bahagi ng katawan, at hindi kaagad lumilipad kahit lapitan ng tao.

má·yang-pu·lá

png |Zoo |[ maya+na-pulá ]
:
uri ng máya (Lonchura malac-ca ) na dáting kinikilálang pambansang ibon ng Filipinas dahil makikíta ang malalaking pangkat sa bukirin at parang, karaniwang matingkad na kastanyas ang kulay ng balahibo sa katawan mula sa dibdib at itim ang ulo hanggang lalamunan : CHESTNUT MUNIA, MÁYANG-DAMPÓL