mayor


mayor (mé·yor)

png |Pol |[ Ing ]
:
pinunò ng isang bayan o lungsod : ALKÁLDE1, MÉYOR

ma·yór

pnr |[ Esp ]
1:
nakatatanda o nakahihigit sa gulang : MÉDYOR4
2:
nakatataas o nakahihigit sa taas : MÉDYOR4

ma·yór de-e·dád

png |[ Esp mejor de edad ]
:
kalagayang nása wastong gulang ang isang tao upang makapagsarili Cf MENÓR DE EDÁD

ma·yor·dó·mo

png |[ Esp ]
1:
punòng opisyal ng isang hari : MAJOR-DOME
2:
punòng tagapangalaga ng isang tahanang mariwasâ o ng isang palasyo : MAJOR-DOME Cf MAITRE D’ HÔTEL

ma·yor·yá

png |[ Esp mayoria ]
1:
ang nakararami ; ang higit na marami : KARAMÍHAN2, MAJORITY
2:
ang bílang o dami ng ibinigay na boto para sa isang partido o kandidato na nagpapakíta ng kalamangan sa kalaban ; o partido na nakatanggap ng higit na maraming boto : KARAMÍHAN2, MAJORITY