mega
mé·ga-
pnl |[ Ing Gri Lat ]
:
panlapi na nagsasaad na napakalakí.
megaflop (mé·ga·fláp)
png |[ Gri mega+Ing flop ]
1:
Com
yunit ng pagbibiláng ng bilis na katumbas ng isang milyong floating-point na operasyon kada segundo
2:
malakíng pagkakamali.
mé·ga·hértz
png |[ Gri mega+Ger hertz ]
:
isang milyong hertz, lalo na bílang súkat ng dalasan sa transmisyon ng radyo (symbol MHz ).
megalith (mé·ga·lít)
png |[ Gri mega+lithos ]
:
sa arkeolohiya, malakíng bató.
me·ga·lo·mán·ya
png |[ Gri megalo+mania ]
1:
obsesyon sa paggawâ ng grande at maluhong bagay
2:
Med
sintomas ng sakít sa utak na nakikilála sa pamamagitan ng mga malîng akala sa kadakilaan ng sarili.
me·ga·ló·po·lís
png |[ Gri megalo+polis ]
1:
dakilang lungsod o ang uri ng pamumuhay dito
2:
urbanisadong pook na binubuo ng lungsod at kaligiran nitó.
megaphone (mé·ga·fówn)
png |[ Gri mega+Ing phone ]
:
kasangkapang ginagamit upang lumakí at lumakas ang boses Cf MIKRÓPONÓ
megapode (mé·ga·pówd)
png |Zoo |[ Gri mega+Ing pode ]
:
ibon (family Megapodidae ) na nagbubuo ng malakíng pugad para sa mga itlog nitó.
megastar (mé·gas·tár)
png |[ Gri mega+Ing star ]
:
tao na kilalá, karaniwan sa daigdig ng pelikula.
mé·ga·tón
png |[ Gri mega+Ing ton ]
:
yunit ng lakas na pampasabog, katumbas ng isang milyong tonelada ng TNT Cf MT
megawatt (mé·ga·wát)
png |[ Gri mega+Ing watt ]
:
isang milyong watt, lalo sa bílang ng lakas elektrikal na mula sa mga estasyon ng lakas Cf MW