mekanika
me·ká·ni·ká
png |[ Esp mecánica ]
1:
sangay ng aplikadong matematika na tumatalakay sa mosyon at mga simulain ng mosyon : MECHANICS
2:
ang agham ng makinarya : MECHANICS
3:
paraan ng pagbubuo o ruta ng operasyon ng isang bagay : MECHANICS
me·ká·ni·kál
pnr |[ Ing mechanical ]
1:
hinggil sa mga mákiná at mekanismo : MECHANICAL
2:
gawâ o binuo ng makinarya : MECHANICAL
3:
kung sa tao, awtomatiko o kulang sa pagkatotoo : MECHANICAL
4:
ukol sa teorya, ipinaliliwanag ang penomenon sa pamamagitan ng paghahaka ng mga aksiyong pangmekanika : MECHANICAL
5:
ukol sa mekanika bílang agham : MECHANICAL