misyon
mis·yón, mís·yon
png |[ Esp mision Ing mission ]
1:
partikular na gawain o hangaring itinakda sa isang tao o pangkat ; o paglalakbay na isinasagawâ bílang bahagi nitó : MISSION
2:
operasyong militar o siyentipikong pag-aaral para sa isang layunin : MISSION
3:
pangkat ng mga tao na ipinadalá sa ibang bansa upang makipagkasundo : MISSION
4:
kalipunan ng mga tao na ipinadalá upang palaganapin ang isang adhikaing panrelihiyon ;larang ng isang gawain ; misyonerong samahan ; o partikular na panahon ng pangangaral, serbisyo, at katulad na isinasagawâ ng isang parokya o pamayanan : MISSION
mis·yo·né·ro
png |[ Esp misionero ]
:
tao na inatasang magpalaganap ng isang misyong panrelihiyon : MISSIONARY