nagpa-
nag·pa-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpa- na nagpapakíta ng aksiyon at dahilan ng pagpayag sa ginawâ, hal nagpagawâ, nagpabili, nagpasok
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpa-, na inuulit ang pantig na -pa-, hal nagpapagawâ, nagpapabili, nagpapasok.
nag·pa·ka-
pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng magpaka- at nagsasaad ng pilit na pagganap o pagtupad, hal nagpakabuti, nagpakaligalig, nagpakabait
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng magpaka-, na inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal nagpapakabuti, nagpapakaligalig, nagpapakabait.
nag·pa·ra·tíng
png |[ ST nag+parating ]
:
pagdaragdag ; kasáma ang man saán, gaya sa “nagparating man saan ” ay nangangahulugang walang-hanggan.
nag·pa·ti-
pnl
:
pambuo ng pandiwang pangnakaraan ng magpati- na nangangahulugan ng marahas na aksiyong ginawa sa sarili, hal nagpatiwakal, nagpatihulog, nagpatibuhat.