nakapag-


na·ka·pag-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng makapag-, hal nakapághúgas, nakapágbalíta
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapag- at inuulit ang unang pantig ng salitâng-ugat, hal nakapághuhúgas, nakapágbabalíta
3:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapag- at inuulit ang -ka- ng panlapi, hal nakakapaghugas.

na·ka·pag·pa-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng makapag-pa-, hal nakapagpahinga
2:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapagpa- at inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal nakapagpapahinga
3:
pambuo ng pandiwang pangkasalukuyan ng makapagpa- at inuulit ang pantig na -ka- ng panlapi, hal nakakapágpákasása.

na·ka·pag·pa·ka-

pnl
1:
pambuo ng pandiwang pangnagdaan ng maka-pagpaka-, hal nakapágpakagalíng, nakapágpakabaít
2:
pambuo ng pan-diwang pangnagdaan pangkasaluku-yan ng makapagpaka- at inuulit ang pantig na -pa- ng panlapi, hal naka-págpápakagalíng, nakapágpápakabaít
3:
pambuo ng pandiwang pangnag-daan pangkasalukuyan ng makapag-paka- at inuulit ang unang -ka- ng panlapi, hal nakakapagpakagaling, nakakapagpakabait.