nasa


na·sà

png |pag·na·na·sà
1:
masidhing layuning makuha o makamit ang isang bagay : GARTÉM1, HÁNDOM, KAHÍDLAW1, IMBÓT1, KARÁYO, LUBÁ3, MÁWOT, PAGKÍSLI, PANGÍPA, PILÁLEK, TINGUHÀ Cf PITHAYÀ
2:
hangaring seksuwal.

ná·sa

pnb
1:
itinuturo ang kinalalagyan, hal nása kuwarto
2:
ayon o alinsunod, hal nása oras
3:
tumutukoy sa pag-aari ng isang tao, hal nása kaniya.

na·sa·án

pnh |[ na+saan ]
:
ginagamit sa pagtatanong ng kinalalagyan o kinaroroonan ng anuman o sinuman : NAHÁAN, WHERE2

nasal (néy·zal)

pnr |Lgw |[ Ing ]

na·sa·lú·kag

pnr |[ Ilk ]